KANSELADO ang mga face-to-face na klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod ng Maynila, Setyembre 5.
Alinsunod ito sa rekomendasyon ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department bunsod ng patuloy na pag-ulan dala ng Habagat.
Inaabisuhan naman ang mga paaralan na magpatupad ng Alternative Delivery Mode.
| mula Manila Public Information Office




















