BUMABA sa 6.1% ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Agosto 2026. Mas mababa ito ng 0.1% kompara sa naitalang 6.2% nitong Hulyo.
Pangunahing dahilan ng pagbaba ng implasyon ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng mga pagkain at non-alcoholic beverages na tumungtong sa 4.6% kompara sa naitalang 5.2% nitong Hulyo.
Nakaapekto rin ang pabahay, tubig, kuryente, gasolina, at ibang fuel sa pagbaba ng antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
#PHCPI
| mula Philippine Statistics Authority

September 4, 2026 46