HINDI PINAGTIBAY ang isinagawang pagtatalaga ng mga mahistrado para… — Ang Pahayagang Plaridel — TG.ME

HINDI PINAGTIBAY ang isinagawang pagtatalaga ng mga mahistrado para sa ika-17 University Student Government (USG) Judiciary bunsod ng hindi pagkakasunduan sa pagitan ng mga bababang mahistrado at USG Executive Board batay sa anunsiyo ni USG Attorney General Sai Kabiling, Setyembre 4.

Iginiit ng mga mahistrado na hindi sapat ang naturang sesyon para sa ebalwasyon ng mga kandidato. Tinukoy ring hindi naaayon sa Judiciary Act of 2022 ang naging proseso ng appointment.

Binigyang-diin nilang tanging probity, independence, competence, at pagkompleto sa Legal and Judicial Training Program ang kinakailangang kwalipikasiyon para sa mga itatalagang mahistrado.
😁1🤣1
September 4, 2026 36 1