IPINATUTUPAD ang alternative work arrangement sa mga tanggapan ng… — Ang Pahayagang Plaridel — TG.ME

IPINATUTUPAD ang alternative work arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan at alternative learning mode sa mga paaralan sa ilang bahagi ng bansa bunsod ng patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat at mababang kalidad ng hangin dahil sa matinding sunog sa mga kagubatan ng Sumatra, Indonesia, Setyembre 4. Alinsunod ito sa inilabas na Memorandum Circular No. 134 ng Malacañang.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang National Capital Region, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, at Occidental Mindoro.

| mula Official Gazette of the Republic of the Philippines
September 4, 2026 39