KANSELADO ang lahat ng klase sa kampus ng Maynila ng De La Salle University simula ika-9:15 n.u. hanggang ika-12:30 n.h. alinsunod sa suspensiyon ng mga face-to-face na klase ng lokal na pamahalaan ng Maynila, Setyembre 9.
Ililipat naman sa online mode ang lahat ng klase simula ika-12:45 n.h. ngayong araw.
Maaari ring lumipat sa work from home ang mga empleyadong hindi kabilang sa vital workforce.
Mananatiling bukas ang akses ng naturang kampus hanggang ika-6:00 n.g. lamang.
| mula Office of the Provost

September 9, 2026 53