MULING TITIPUNIN ang mga mambabasa sa pagbubukas ng Manila International Book Fair 2026 sa SMX Convention Center Manila bukas, Setyembre 9.
Tampok sa limang araw na book fair ang mga bagong labas na aklat, mga diskuwento, at ang pagkakataong makadaupang-palad ang mga paboritong awtor.
Maaaring bisitahin ang naturang book fair mula ika-10:00 n.u. hanggang ika-8:00 n.g. at magtatagal hanggang Setyembre 13.
| mula Manila International Book Fair

2September 8, 2026 35