SUSPENDIDO ang mga face-to-face na klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod ng Maynila, Setyembre 8.
Alinsunod ito sa rekomendasyon ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department bunsod ng inaasahang pag-ulan dala ng Habagat.
Inaabisuhan naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga paaralan na magpatupad ng Alternative Delivery Mode.
| mula Isko Moreno Domagoso

September 8, 2026 24