MAKASAYSAYANG NAPAHANAY ang pangalan ng tanyag na Broadway singer at OPM icon na si Lea Salonga sa Hollywood Walk of Fame bilang kauna-unahang Pilipinong nakatanggap ng bituin sa Hollywood Boulevard, Los Angeles, Setyembre 5.
Ginawaran siya ng naturang parangal bilang pagkilala sa kaniyang natatanging representasyon sa mga Pilipino at Asyano sa larangan ng musika at pagtatanghal.
Ilan sa kaniyang tanyag na pagganap ang pag-awit ng “Reflection” at “A Whole New World” bilang tinig nina Mulan at Princess Jasmine. Nakilala rin siya sa pagganap bilang Kim sa musikal na “Miss Saigon.”
| mula Philippine Star

September 6, 2026 38